Wednesday, November 6, 2013

Hilot sa Pilay



Isa sa mga pinaka-komon na dinadala sa akin para ipahilot ay mga batang may “Pilay” o yong mga batang nilalagnat sa tuwing hapon na may kasabay na ubo. Kaya naisipan ko na itoy isulat dito para sa mga magulang lalo na ang mga nanay para alam papaano hilutin ang pilay sa bata. Pero, kahit sa mga may edad na ito ay pwede rin gawin dahil minsan tayo man ay inuubo at nilalagnat din sa tuwing hapon, yon nga lang at hindi kagaya noong mga bata pa tayo.

Ang ubo ng batang may pilay ay tuyo o dry cough sa English. At kahit pa ito ay painumin ng painumin ng mga gamot na reseta ng doktor ay hindi natatanggal. Pero bago ang lahat nais kong ipaalala na ang bagay na ito ay hindi sinasabing hindi na ninyo kailangan dalhin sa doktor ang mga anak ninyo kung pagkatapos ng mga dalawang – tatlong beses ay walang makita na pagbabago sa hitsura o kalusugan ng bata.

Ang pinakakailangan dito ay langis ng niyog na sariwa o yong hindi panis. Malinis ang mga kamay at dapat din nahugasan ang bata ng maligamgam na tubig para malinis siya pagkapos mahilot at tutulog na. Ang paghilot sa batang may pilay ay kadalasan pinaka-maigi sa gabi bago matulog dalawang oras pagkatapos kumain.

 1. Tanggalin ang pang-itaas na damit ng bata o kung maluwang at ayaw niyang mahubaran, itaas lang ito
      hanggang sa balikat.

2. Lagyan ng langis ng niyog ang isang kamay, isang kutsara ay puwede na o tantiyahin lang. Huwag
    mag-alala na kaunti ang nailagay dahil puwedeng dagdagan kung kinakailangan.

3. Ang pilay ng bata ay kadalasang sa bandang itaas ng likod pero pwede rin hilutin hanggang sa may
    balakang, yong nga lang mas lalong bigyan ng pansin ang bandang itaas. Ito kasi ang laging nababanat
    tuwing iginagalaw ang mga kamay at kung binubuhat natin sila. Basta hagurin lang ng marahan at hanapin
    ang mga parte na may laman, at sa mga sugpongan o “joints” ng mga balikat. Katamtaman lang ang diin.

    Kung isang buwan hanggang tatlong taon ang bata kahit haplos-haplos lang dahil madaling mag-response
    ang kanilang katawan sa hilot at gagaling agad. Kapag may pilay, kadalasan ay nararamdaman ang
    reaksiyon ng laman ng bata. Kapag bihasa ka na at sanay na, balang araw ay lagi mo iyon maramdaman
    sa  mga hinihilot mo. Ngayon, kung wala sa itaas, ang bandang hihilutin mo ay sa bandang pigi ng bata.
    Hilutin ang malaman na bahagi hanggang sa balakang o “Lower-back.”

4. Pagkatapos mahilot ang likod o pigi ng bata ay huwag kalimutan na hilutin din ang mga paa – mula hita
    pababa sa mga daliri ng paa.



Hilutin ang bata ng sampu hanggang labilimang minuto lang. Pero kung sanggol pa lamang limang minuto ay sapat na. Ulitin ang paghilot kinabukasan. Pagkatapos nito, ay dapat masigla na ang bata at wala ng lagnat at ubo sa hapon. Pero, kung meron pa rin ubo, dapat ay wala na ang sinat sa tuwing hapon. Yong ubo ay siguro dahil may ibang dahilan lalo na kung may lumalabas na plema(Phlegm). Kung ganoon dapat ipasuri na ang bata sa manggagamot para maagapan kung ang sanhi ng ubo ay dahil sa bakteria.

36 comments:

  1. Maraming salamat po sa pagbabahagi (sharing) ng inyong kaalaman. Malaking tulong po ito lalo na sa mga kagaya namin na walang matatakbuhang hilot kaagad-agad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang anuman. Sana maibahagi rin ninyo sa mga iba para mas marami pa ang matulongan.

      Delete
    2. Hello pano po yung kpag ngkapilay sa paa tas namamaga? Nadaganan ko kase baby ko kase nadapa kmi. 1 &9months sya

      Delete
    3. hello Pu ? normal Lang Pu ba na mamaga Ang braso pag tpos mahilot ? ung anak Ku Pu kc 2years old . naipitan Pu xia Ng ugat then napahilot Ku Naman Pu agad agad . pang 2 days na Pu ngaun after nya mahilot at prang napansin Ku Pu na my konting pamamaga sa braso Nia ? normal Lang Pu ba un ? asahan Ku Pu reply nio nag aalala na Pu kc ako . 😣😣😣😣😣😣😣😣

      Delete
  2. paano po pag wala naman ubo pero malamig po ang mga paa? paano po yun? pilay din po ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, pasensya sa matagal na reply. Di ko namalayan na mayron pala ako hindi nasagot na tanong sa isa sa mga posts ko.

      Hindi pilay. Pero indikasyon na hindi maganda ang daloy ng dugo papuntang paa kaya ito lumalamig. Kadalasan ay may lagnat din ang bata.

      Kapag malamig ang mga paa hilutin mo lang gamit ang coconut oil hanggang sa maging normal. Isama mo na rin hilutin mga kamay.

      Delete
    2. paano po malalaman kung may pilay sa pamamagitan ng pulso

      Delete
    3. Pasensya Allan, hindi ako gumagamit ng pulso. Kasi sa tingin, tanong, pakikinig sa ubo at boses, at haplos pa lang ako nagrerely sa pagdiagnos sa pilay. Di ko alam pero hindi ako nanging interesado pag-aralan ang pagbasa ng pulso.

      Delete
    4. Pwede po ba kahit anung lang is ang gamitin, πŸ₯Ί

      Delete
  3. Paano po kapag may unstable na lagnat taz palaging ngtatae ng konti lng... 5 months na po ang baby.

    ReplyDelete
    Replies
    1. If hindi sumusuka, Baka may tumutubo na ngipin ang bata. Kadalasan 2-3 days bako lumabas ang ngipin ay lalagnatin at nagtatae ang bata. If sumusuka baka may nakain na komontra sa tiyan.

      Delete
  4. Paano po malalaman gamit ang pulso na may pilay ang bata?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pasensya Hazel hindi kasi ako gumagamit ng pulso. Tanong, Observation, at touching(No pulse reading) ang mga ginagamit ko. Hindi ako naging interesado kasi na magbasa ng pulso.

      Delete
  5. after po ba ng hilot tlgang lalagnatin?! 2months pa lng po kc ung baby ko pinahilot cya kc my part sa likod nya na kpag nagalaw umiiyak cya at nasasaktan. tpos parang hindi pa din nawala ung sakit. natural lng po ba un?!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, Lance.... Baka naman talagang may dislocation na ang bata o kaya'y nahulog at nasaktan ng husto ang laman sa likod. Baka kailangan mo siyang dalhin sa doktor para matingnan ng husto at mabigyan ng anti-inflammation.

      Talagang lalagnatin dahil sa linalabanan ng katawan niya yong pilay o sugat sa likod na nahilot.

      Parang hindi nawawala dahil baka minsan lang siya nahilot. Kung ang pilay niya ay sanhi ng pagkahulog, kailangan ng mas maraming beses na mahilot ang bata. Mga 3 na sunodsunod and every other day na 1-2 beses pa. Pagkatapos niyon ay dapat okay na ang bata.

      Pero, kung pagkatapos ng 3 beses at parang walang ipinagbago mas makakabuting dalhin mo sa doctor para masuri ng husto. dahil kapag lumala at magkainpeksyon sa loob mas delikado.

      KUng nahulog ang bata at likod ang nasaktan, kadalasan ay nabubobog sa loob pero hindi kita sa labas. Pero pag nahawakan mo ang parte na may tama mararamdaman mo na nagrereact ang bata. Para mahilot sa loob (Usually under the ribs) i-tap mo lang na parang nagpipiyano sa ibabaw ng masakit. Tantiyahin mo ang lakas para hindi masyadong malakas o kulang naman sa lakas. Dapat tama lang na parang mavibrate sa loob.

      Delete
    2. Yung anak ko po nahulog na double deck pinipisa ko yung likod nya di naman po sya naiyak pero po may iniinda po sya pagkanagigising sya, hindi ko pa po sya pinapahilot kasi natatakot po . Tapos po nilalagnat po sya

      Delete
  6. Paano huba gumawa ng langus ng niyog salamat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. Kuha ka ng dried na bunga ng niyog ipakayod mo kung wala kayong kayuran pagkatapos pigain mo para makuha yong katas. Pwede rin na magpainit ka ng tubig para ilagay mo sa kinayod na laman ng niyog saka mo pigain.

      2. Iluto mo sa palayok hanggang sa matanggal lahat ang tubig at langis saka yong lutong laman ng niyog na lang ang matira. Habang niluluto mo ito ay dapat kuskusin mo ang mga dumidikit sa gilid ng palayok para hindi masunog.

      3. Kapag luto na ay amoy mabangong langis nang niyog na. pwede mo na itong tanggalin sa apoy at ilipat sa lalagyan habang mainit. gumamit ka ng pinong screen para hindi maihalo ang laman ng niyog.

      Isa pang paraan:

      1. Ilagay ang pinigang katas ng niyog sa freezer ng ilang oras o magdamag

      2. Kinabukasan kunin mo ang langis na tumigas sa ibabaw at ilagay mo sa malinnis na lalagyan.

      Delete
    2. May alternative po ba sa langis ng niyog na pwedeng mabili sa pharmacy or grocery?

      Delete
  7. Salamat at bukas Na bukas gagawin ko Ito.

    ReplyDelete
  8. Hello! Ask ko lang po, almost two weeks na po kasi on and off ang lagnat ng baby ko. 1 year na po siya. kadalasan po ay nilalagnat po siya sa umaga tapos nawawala, sumisigla nanaman po siya. Then after po ulit bigla naman pong iinit ang katawan niya. Pinahilot na po namin siya pero 1 beses lang at sandali lang po yun. pagaling na po ang kanyang ubo at sipon. pinacheck na rin po ang dugo at urine niya ay normal naman, ano po kaya ang posibleng sanhi ng kadalasang pagkalagnat niya?

    ReplyDelete
  9. Hello po maari na po ba ipahilot ang 6 months old baby

    ReplyDelete
  10. Hi po may tanong po ako Yong coconut oil ba ay yong gata ng niyog?

    ReplyDelete
  11. Hi paano po sa case ng baby ko? 3months mahigit plng po sya. Paano po malaman kung may pilay sya. minsan po kase may na buhat na umiiyak sya e. di nmin alam kung saan parte. sobra po kase iyak niya.. sana po mtulungan nyo po ako.. kung paano hilot ang ggawin. slamat

    ReplyDelete
  12. Hello po .. Panu po kung napilAyan sa braso anu pong hilot Gagawin ??? Thank you po

    ReplyDelete
  13. good day po. gagaling din po ba ng kusa ang pilay kahit hindi mahilot?

    ReplyDelete
  14. Tanong lang po,bakit po yong baby namin laging nilalagnat sya sa gabi pero sa araw naman po eh masigla naman sya..mag 1 year na po baby namin

    ReplyDelete
  15. Mataas po na lagnat at malamig ang paa..my ubo din po.

    ReplyDelete
  16. Ask lng po d nmn malamig ang paa ng baby ko pero nilalagnat po sya..posible bang may pilay po baby ko?

    ReplyDelete
  17. Tanong lang po paano kng malamig Ang paa taz may dry cough xa at tuwing Gabi at nilalagnat.may pilay po ba ang bata

    ReplyDelete
  18. Ok lang po ba hilutin kahit may sinat or lagnat ang batang 2 taon gulang?

    ReplyDelete
  19. Ask ko lang po sa isang buwan po almost 4x na po sya hinilot okay lang po ba un ? Pero hndi po sya nilalagnat wala din po syang ubot sipon . Pag s hospital po ako pupunta ano po ang pwede kong gwin

    ReplyDelete
  20. Hello po. πŸ˜™thank u po sa tutorial po. By the way di kopa po nasusubukan hilutin at gawin kay baby yan. 10months. Na po sya.
    Narandaman ko may sinat sya 4pm then akala ko ok lng . D ko kasi nbigyan ng gMot .tapos nagising baby ko 2am .so, yun po nakapa ko po sys may lagnat na .
    Nagsimula po ito ng pinaliguan kopo sya ng 9am . Na may ubo po sya . After nun ngkaroon nun sinipon napo hanggang sininat ng hapon at nging lagnat .paano po ba iyon?

    ReplyDelete
  21. hello Pu ? normal Lang Pu ba na pag tapos mahilot Ang braso Ng bata namamaga ? 2years old na Pu Ang anak Ku . nalaglag Pu xia sa upuan then after Pu nun dinala Ku xia sa manghihilot agad agad . Sabi Pu naipitan daw Pu Ng ugat kya Di Nia maigalaw Ang braso . hinilot naman Pu xia . kaso Pu 2days na nkalipas after Nia mahilot napansin Ku Pu na my konting pamamaga sa braso Nia , gusto Ku Pu malaman Kung normal Lang Pu ba un after mahilot ? hihintayin Ku Pu ung response nio . kinakabahan na Pu kc ako . 😣😣😣😣😣😣😣😣

    ReplyDelete
  22. Hello po. Possible Po ba may pilay anak ko, 2 months old napo sya , tgen kanina lalabas kami Ng kulambo, Hindi ko Po hawak o Di ko Po na alalayan Yung sa batok at likod nya tapos bigla nya Po inangat ulo nya tapos dalidali ko Po sya hinawakan tapos naiyak napo syaπŸ₯ΊπŸ˜’

    ReplyDelete