Isa sa pinakamabisang natural na gamot sa ubo ay ang
Kalamansi. Ito ay natutunan ko sa aking
ina noong ako ay bata pa. Kaya lang may
mga kaunting rekados na gawin para ito ay tama at maging epektibo.
Gaya na lang sa malalim na ubo na walang lumalabas na
plema dahil ito ay tuyo kaya napipigil sa loob ng lalamunan. At ang pangalawa ay sobra sobra ang lumalabas
na plema na makati ang lalamunan.
Mga hakbang na gagawin kapag ang ubo ay tuyo at nahihirapan na ilabas ang plema
1.
Kumuha ng
sampung bunga ng kalamansi kung medyo malalaki or mas marami kapag katamtaman
ang laki o masyadong maliliit. Mas
mainam na kumuha ng medium size or yong mas malaki.
2.
Hiwain sa gitna ang mga bunga at pigain habang
sinasala ang katas sa baso
3.
Dagdagan ng tubig na malamig at saka mainit para
ang lalabas na temperatura ay room temperature o kaya warm.
4.
Dagdagan ng dalawang kutsara ng asukal na pula o
kaya ay pulot-pukyutan(honey)
5.
Ihalo ng mabuti at tikman kung gusto mo pang
dagdagan ang asukal.
6.
Inumin ito ng unti-unti, parang umiinom ng tsaa,
hanggang maubos.
7.
Ulitin pagkatapos ng apat na oras o 3
beses sa isang araw.
Hakbang na gagawin kapag sobra ang plema na malabnaw
1.
Kumuha ng sampung bunga ng kalamansi
2.
Hiwain sa gitna at pigain habang sinasala ang
katas sa baso
3.
Dagdagan ng tubig na katamtaman ang temperatura.
O kaya’y gawin na warm
4.
Dagdagan ng isang kutsara na asin o depende sa templa
na gusto mo.
5.
Ihalo ng mabuti at tikman kung tama sa panlasa
6.
Inumin ng unti-unti na parang umiinom ng tsaa,
hanggang maubos
7.
Ulitin pagkatapos ng apat na oras hanggang
tatlong beses sa isang araw.
Kailangan alam mo kung anong klaseng ubo ang meron ka para
alam mo kung ano sa dalawang pamamaraan sa itaas ang gagamitin mo, dahil, gaya
ng mga gamot ay baka lalong lumala ang iyong ubo.
Pwede rin i-adjust ang bilang ng bunga ng kalamansi na
gagamitin ayon sa edad at kagrabe ng ubo.
Pero dapat ay hindi ito bababa ng limang piraso.